Home METRO Davao Oriental isinailalim sa state of calamity sa baha

Davao Oriental isinailalim sa state of calamity sa baha

MANILA, Philippines- Nagdeklara ng state of calamity sa Davao Oriental dahil sa ulan at pagbaha dulot ng shear line, ayon sa ulat nitong Huwebes.

Base sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, nasa dalawang indibidwal ang iniulat na nasawi habang apat ang sugatan.

Mahigit 64,000 pamilya naman ang apektado ng masamang panahon.

Hindi naman bababa sa P113 milyong pinsala sa agrikultura at kabuhayan ang naitala.

Napinsala rin ng baha ang mga kalsada at ilang imprastraktura.

Pinapayagan ng state of calamity declaration ang provincial government na gamitin ang quick response funds upang tumugon sa kalamidad.

Nauna nang nagdeklara ang Davao del Norte at Davao de Oro ng state of calamity. RNT/SA

Previous articlePBBM: PH schools dapat maging ‘no-bully zones’
Next articleUpos ng yosi pangunahing kalat sa NCR