Home NATIONWIDE Davao Region emergency operations center, nananatili sa red alert status sa lindol

Davao Region emergency operations center, nananatili sa red alert status sa lindol

MANILA, Philippines – Nakataas pa rin sa Red Alert status ang Emergency Operations Center (EOC) sa Davao Region dahil sa naganap na magnitude 6.8 na lindol.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD XI) nitong Sabado, Nobyembre 18, itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang status upang mas mapalakas nila ang monitoring sa rehiyon at masiguro ang agarang mobilisasyon ng mga resources sa regional level, partikular na ang mga apektado ng malakas na lindol.

“All Local DRRM Offices and RDRRMC member agencies have been directed to monitor closely their areas of responsibility and coordinate with the RDRRMC XI EOC for immediate response actions, when necessary,” saad sa pahayag ng OCD XI.

Sa huling ulat, may mga naitalang minor damages sa lindol sa Davao City, at munisipalidad ng Jose Abad Santos at Sarangani sa Davao Occidental.

Mayroon din umanong 174 indibidwal sa Davao City at apat na pamilya sa Jose Abad Santos na kailangang ilikas ng tirahan.

Naitala rin ang pagkawala sa suplay ng kuryente sa Davao Occidental, ngunit naibalik naman na.

Nitong Sabado, nagsagawa naman ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ang pamahalaan upang makakuha pa ng mas maraming impormasyon sa mga nasirang istruktura dahil sa lindol. RNT/JGC

Previous articleJapan nagdonate ng P314M farm equipment sa PH sugarcane farmers
Next articleCanadian dark vessel detector darating sa bansa sa susunod na linggo