Home ENTERTAINMENT David, may sleep apnea, naka-sched na ang operasyon!

David, may sleep apnea, naka-sched na ang operasyon!

134
0

Manila, Philippines- Para sa mga tagahanga ni David Licauco, namnamin n’yo na ang bago niyang teleserye!

Nitong September 11 lang nag-world premiere ang TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sa GMA.

In the TV version, karakter noon ni Robin Padilla ang ginagampanan ni David.

Ang kay Barbie Forteza naman ay dating ginampanan ni Sharon Cuneta.

You might ask: why take advantage of David habang umeere ang primetime show?

Why, because naka-line up na ang pagpapaopera ni David ng kanyang sakit na sleep apnea.

Ito’y isang sleeping disorder kung saan tumitigil sa paghinga ang taong mayroon nito nang 30 segundo habang natutulog.

In David’s case, taglay na raw pala niya ang naturang sakit when he was 16 years old.

While asleep, umaatake raw ito nang maraming beses in an hour: dahilan para bumigat ang kanyang pakiramdam pagkagising.

Aniya, this has been stressing him out.

What David does ay idinadaan na lang daw niya ito sa workout and keeping himself busy with work.

Ito rin pala ang dahilan why some people mistake him for being suplado.

Ang tendency kasi ng mga merong ganitong sleeping disorder ay nawawala sa tamang wisyo dahil nga affected ang kanilang pagtulog.

According to David, he describes sleep as God’s gift which in his case ay isang luxury.

Kaya sumusumpa si David na matapos lang niyang gawin ang serye nila ni Barbie ay magpapaopera na siya.

Shout out din niya ito sa GMA na huwag na muna siyang bigyan ng kasunod na project.

For sure, his home studio will heed David’s request.

Kung pinagpahinga nga nila sandali si Boobay dahil sa medical condition nito, si David pa ba ang hindi nila pagbibigyan? Ronnie Carrasco III

Previous articleCarlo, no-show sa bday ni Mithi, inakusahang iresponsable!
Next articleMarco, tumiwalag na sa kampo ng KathNiel!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here