Manila, Philippines – Masaya si David Licauco sa tinatanggap na suporta sa kanilang tambalan ni Barbie Forteza.
Pero hindi raw ibig sabihin nito’y pabor siya na mabuwag ang relasyon sa pagitan nina Barbie at Jak Roberto.
Katwiran ni David, their real-life relationship came way ahead of the BarDa loveteam.
Naninindigan si David na: “I think the fans also have to respect our personal lives. Bago nabuo ang loveteam namin, sina Jak at Barbie na so let’s respect that!”
Nauunawaan naman daw ni David kung may mga fans who wish na sila na lang daw ni Barbie ang magkasintahan.
“I perfectly understand it from the fans’ standpoint and I appreciate that. Thankful nga ako sa support nila sa loveteam namin,” paliwanag ni David.
Isang bagay lang daw ang ayaw niya sa mga nangyayari.
While the fans are rooting for Barbie and David ay nababasa raw niya ang mga hate comments kay Jak.
Si Jak daw ang nasa receiving end ng pamba-bash ng mga netizens.
“‘Yun ang ayoko. Huwag na lang sana nilang i-bash ‘yung tao in support of the BarDa loveteam. Unfair ‘yon kay Jak!” giit ni David.
David needs to brace himself for the worst to come Jak’s way lalo’t magsasamang muli sila ni Barbie sa isang teleserye.
Buti na lang, hindi pinababayaan ng GMA si Jak who also has an upcoming teleserye.
Naiintindihan din ni David ang business side ng mga screen partnerships.
Aniya, ang mahalaga naman doon is knowing where each of them–he, Jak and Barbie–stands in real life.
Sila-sila na raw tatlo ang nagkakaintindihan. Ronnie Carrasco III