Home ENTERTAINMENT David, sumablay sa harana sa MGP, inokray! ENTERTAINMENTLOCAL BIZSHOWBIZTOP STORIES David, sumablay sa harana sa MGP, inokray! July 15, 2023 17:02 227 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nagmistulang fans’ day lang ang guest performance ni David Licauco sa Miss Grand Philippines nitong July 13, Huwebes. Ginanap ang recently concluded local pageant sa Mall of Asia Arena. Si David ang naatasang magharana sa napiling 15 finalists. Inawit niya ang Wherever You Will Go na halatang ‘di niya memoryado ang lyrics. Pre-recorded ang kanta na sinabayan lang ng Kapuso actor. His rendition, however, did not turn out to be a serenade dahil wala siyang interaction sa 15 kandidata. Obyus na asiwa si David at hindi kumportable sa kanyang ginagawa. At the very least daw ay dapat sinaulo man lang ni David ang lyrics ng kanta. Nahalata tuloy na lip synch lang ang ginawa dahil nakasara ang bibig niya nang ding na dinig pa rin ang boses sa recorded song. Ayon sa ilang komento, kulang na lang daw ay isubo ni David ang tangang mikropono para hindi mahalatang lip synch lang ang ginawa niya. Sa ganoon daw na mahalagang bahagi ng pageant ay mas inirerekomedndang tunay na singer na lang ang kinuha kesa sa magkaroon ng inaasahang pagsablay. Sa dami raw ng mga male Kapuso performers, imposibleng maubusan ng pagpipilian ang network. Mabuti na lang at sa kaso ni David ay aminado siyang mahiyain at hindi naman nagpapanggap na isang mang-aawit. Lesson learned ‘yan to prevent it from happening next year! Ronnie Carrasco III