Home METRO DavOcc sapul ng M-4.8 quake

DavOcc sapul ng M-4.8 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 4.8 earthquake malapit sa katubigan ng Davao Occidental nitong Martes, alas-8:34 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natukoy ng Phivolcs ang epicenter nito 78 kilometers (km) southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, sa lalawigan ng Davao Occidental.

Tectonic ang nasabing pagyanig, na naganap sa lalim na isang kilometro.

Ananf Phivolcs ito ay “slightly felt” sa Intensity II sa City of General Santos, South Cotabato, habang “scarcely perceptible” naman sa Intensity I sa Glan at Malungon, Sarangani.

Naitala rin ang Intensity II sa City of General Santos, South Cotabato at Glan, Sarangani, habang Intensity I naman sa Polomolok, Tupi, at T’Boli, South Cotabato; at Kiamba, Malungon, at Alabel, Sarangani.

Walang inaasahang pinsala o aftershocks kasunod ng lindol, base sa Phivolcs. RNT/SA

Previous articlePH gov’t, private sector sanib-pwersa sa EDSA Busway concourse
Next articleDom, nagkukulong sa condo unit!