Home ENTERTAINMENT Dawn, nakauwi na, itinangging may marital problem!

Dawn, nakauwi na, itinangging may marital problem!

Manila, Philippines- Dawn Zulueta is back in town!

Togather with her husband Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo, family and friends, Dawn flew in from New York.

Ang pagbabalik ni Dawn ay patunay na walang katotohanan ang kumakalat na balitang she and Anton are going through a rough patch in their marriage.

Mahigit 25 taon nang kasal sina Dawn at Anton.

To further quell rumors about their shaky marriage, nitong August 6, Linggo ay nag-post pa si Dawn ng maikling video clip kung saan magkasama sila ni Anton sa isang art exhibit.

Makikita sa background ang malaking painting nila ng kabiyak.

Pinuri pa nga ni Dawn ang gumuhit ng nasabing painting for capturing the blissful expression on their faces.

Matatandaang kumalat ang balitang nagkakalabuan ang mag-asawa nang bumiyahe si Dawn sa New York.

She flew out of the country with their eldest child Jacobo.

Ang pakay pala roon ni Dawn ay para asikasuhin ang mga dokumentong kakailanganin ni Jacobo na papasok sa kolehiyo.

Sa Fordham University ipe-pursue ni Jacobo ang kanyang college studies.

Looking back on their more than 25 years of marriage, walang pinagsisisihan si Dawn that she chose a domestic life over her showbiz career.

Nasa peak ng kanyang karera si Dawn when she shied away from showbiz.

She also seldom gets written about or is not as active on social media in favor of a quiet yet happy life with her family. Ronnie Carrasco III

Previous articlePadilla sa pagbabalik sa Bilibid: ‘Masaya ako at malungkot’
Next articleKorea, France nabahala sa Ayungin incident