Bulacan – Arestado ang binatang 19 anyos na umanoy nahulihan ng P24,864.00 halaga ng iligal na droga sa joint drug buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.
Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo ang suspek na si Lance Cruz, vendor ng Brgy. Tibag, Pulilan na kabilang sa PNP-PDEA unified watchlist.
Sa report ni San Ildefonso chief of police PLt. Col. Russel Dennis Reburiano, ikinasa nila ang operasyon katuwang ang SOU 3 PNPDEG bandang 11:40 ng gabi nitong Mayo 19 sa Brgy. Poblacion.
Ayon kay Reburiano, nabilhan ang target ng isang small sachet na hinihinalang shabu ng police poseur buyer sa halagang P500 kaya agad siyang inaresto.
Narekober sa operasyon ang siyam pang sachet na hinihinalang shabu na tumimbang ng nasa 3.63 grams, may estimated amount na P24,684.00 at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5, and 11 Art. II of RA 9165 habang nakakulong sa naturang himpilan.Dick Mirasol III