MANILA, Philippines – Arestado ang isang dayuhan makaraang kuyugin nang maaktuhan umano na nagsasarili sa harapan ng publiko sa Malate, Maynila.
Hindi na pinangalanan ang naturang dayuhan na isang Korean national na isinailalim na sa imbestigasyon sa tanggapan ng MPD-General Assignment Investigation Section (GAIS) at nahaharap ito sa kasong Alarm and Scandal, Physical Injury at Grave Threat.
Nangyari umano ang insidente pasado alas-10 ng gabi sa nasabing lugar.
Ayon sa ilang nakakita kabilang ang ilang Barangay tanod, sila ay nagpapatrulya sa kanilang nasasakupan sa Barangay 754 Zone 81 nang mamataan nila ang dayuhan na nakaupo sa Electric Bike na armado ng Screw Driver at nagpapakita ng ari sa mga nagdaraan.
Dahil dito, agad nila umanong ipinarating sa tanggapan ng Arellano PCP sakop ng Station 9 at dito na nila sapilitang binitbit ang suspek pero nanlaban ito at sinakal ang isang tanod dahilan para magkaroon ng komosyon.
Nagtamo ng galos ang tanod habang sinakal din ang isang sibilyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden