MANILA, Philippines- Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking taga-Colorado na nahatulan ng kasong rape.
Kinilala ang American national na si Charles Harry Cooper, 66, na tinangkang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng China Air flight mula Taiwan.
Sinabi nito na isa lamang siyang turista at maglalagi sa Pasay City.
Sa datos ng BI, si Cooper ay hinatulan sa United States (US) noong 2009 sa kasong statutory rape sa 1st degree at statutory sodomy sa isang 14-anyos at molestation sa 1st degree.
Dahil dito, hinarang siya ng mga opisyal ng Immigration at pinasakay pabalik sa kanyang bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na walang patawad sa Pilipinas para sa sex offenders.
“These predators are not welcome in the Philippines,” ayon kay Tansingco. “Any sex offender who attempt to enter the country will be turned back and blacklisted,” dagdag pa nito. JAY Reyes