Home Uncategorized Dayuhang nakatulog, pinagnakawan ng masahistang malikot ang kamay

Dayuhang nakatulog, pinagnakawan ng masahistang malikot ang kamay

297
0

MANILA, Philippines – Kulong ang isang transgender na masahista matapos na pagnakawan ang isang Amerikano na nakatulog habang kaniyang minamasahe sa isang hotel sa Makati City.

“Sumama po itong suspek natin na transgender sa foreigner sa isang hotel para magmasahe sa kaniya. Pinatulog itong foreigner, so tinake advantage naman nitong transgender na suspek natin, kinuha ‘yung cellphone niya na iPhone 12 at saka mga gamit,” ani Police Colonel Edward Cutiyog, hepe ng Makati City Police.

Hulicam naman sa CCTV ang paglabas ng suspek sa kwarto na siya pala niyang pagtakas matapos ang pagananakaw.

Agad namang nagasagawa ng followup investigation ang Makati City Police at natunton ang suspek sa Antipolo City, kung saan nabawi ang cellphone at wallet na ninakaw sa biktimang dayuhan na may lamang ATM at credit cards.

Sinaoli ng suspek sa biktima ang lahat ng ninakaw nito at pagkatapos ay pinatawad at hindi na sinampahan ng reklamo ng dayuhan. RNT

Previous articleBawal muna bisita sa Bilibid maximum-security
Next article14-anyos hinalay, pinatay; krimen binidyo, pinagyabang ng 3 suspek

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here