Home METRO DBM naglunsad ng P1B project para sa malinis na tubig sa 75...

DBM naglunsad ng P1B project para sa malinis na tubig sa 75 munisipalidad

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang proyektong naglalayong tulungan ang 75 munisipalidad na magkaroon ng access para sa ligtas at malinis na tubig.

Nauna nang inilunsad ng DBM ang Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) project sa Cebu City noong Pebrero 21.

Ang SAFB project ay may kabuuang alokasyon na P1 bilyon sa ilalim ng Local Government Support Fund-SAFPB.

“Mayroon po tayong bago tayong programa—ang Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting, kung saan naglaan po ang DBM ng isang bilyong piso para sa 4th, 5th and 6th [class] municipalities, para magkaroon ng malinis na tubig ang ating mga kababayan,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa DBM, layon ng proyekto na mabigyan ang 75 munisipalidad ng access para ligtas na mapangasiwaan ang suplay ng tubig at sanitation services.

Kabilang sa mga benepisaryo ay ang limang LGUs sa Quezon province, apat sa Bohol, at apat sa Lanao del Norte.

Ang bawat munisipalidad ay makatatanggap ng P6 milyon hanggang P13 milyon para sa konstruksyon ng “water supply at sanitation projects” ng kani-kanilang LGUs.

Tinuran ng DBM na ang proyekto ay “unique” dahil gagamit ito ng “participatory budgeting,” na ang ibig sabihin ay hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan kundi ang Civil Society Organizations ang mayroong ‘say’ sa “identification, implementation, at monitoring” ng mga proyekto.

Alinsunod naman ito sa commitment ng departamento na isulong ang open government sa bansa.

“We believe that ensuring sustainable water supply and sanitation services in local government units is key to Philippine development, human development, public health, and poverty reduction,” ang lahad ng Kalihim. Kris Jose

Previous articleChard, magsasampa ng child custody case!
Next articleKamara aasistihan ng DA sa pagpapalakas ng Anti-Agricultural Smuggling Act