Home NATIONWIDE DBM nagpalabas ng P1.134B sa DepEd para sa restorasyon ng heritage school...

DBM nagpalabas ng P1.134B sa DepEd para sa restorasyon ng heritage school buildings

MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit sa P1 bilyon para sa “conservation at restoration efforts” ng Department of Education (DepEd) sa heritage school buildings.

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na nagpalabas ito ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.134 bilyon sa DepEd para sa Conservation and Restoration ng Gabaldon School Buildings at iba pang Heritage School Buildings ng departamento.

Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng SARO noong Marso 1, 2024.

Ang nasabing halaga ayon sa DBM ay nakatakdang mapakinabangan ng 654 silid-aralan sa 83 lugar sa buong bansa.

Ang Gabaldon School Buildings, kilala rin bilang Gabaldons, ay heritage school buildings sa Pilipinas na itinayo sa panahon ng ‘colonial period’ ng Estados Unidos.

Ang arkitektura ng Gabadon School Buildings ay nakakuha ng inspirasyon mula disenyo ng tradisyunal na “bahay kubo” at “bahay na bato” designs.

“Let us restore and preserve the dignified spaces of our Gabaldon School Buildings and other heritage structures. Whether nestled in bustling cities or remote provinces, these historic edifices hold the promise of progress. Together, we forge a path toward a renewed Philippines, leaving no one behind as espoused by President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Saklaw ng inilaang pondo sa ilalim ng SARO ang heritage school buildings sa Cordillera Administrative Region, CARAGA, National Capital Region (NCR), Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, at XII.

Winika pa ng DBM, gaya ng itinakda sa Special Provision No. 21 ng Fiscal Year 2024 General Appropriations Act at alinsunod sa Republic Act No. 11194 at sa implementing rules and regulations (IRR), ang heritage school buildings, kabilang na ang Gabaldon school buildings, ay dapat na ipreserba at ibalik sa dati bilang bahagi ng “cultural conservation efforts” ng bansa.

Tinuran ng DBM na kabilang sa restoration process ang ‘site improvements’ gaya ng “school ground site leveling and grading, with high regard for building safety and integrity, and removal of obstructions and unsafe structures around the Gabaldon building.”

Idagdag pa rito, kailangang tiyakin ng DepEd at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga nabanggit na gusali ay “fully restored” at hindi lamang dapat na “renovated o rehabilitated.” Kris Jose

Previous articleDOH: Iwasang humalik sa labi ng sanggol kontra pertussis
Next article180K security personnel ipinakalat para sa Semana Santa, Ramadan