Home NATIONWIDE De Lima dumalo sa thanksgiving mass ng ika-7 taon ng pagkakaaresto

De Lima dumalo sa thanksgiving mass ng ika-7 taon ng pagkakaaresto

MANILA, Philippines – Dumalo si dating Senador Leila de Lima sa thanksgiving mass na isinagawa sa Our Lady of Perpetual Help Parish sa Quezon City nitong Sabado, Pebrero 24 kasabay ng ika-7 taong anibersaryo ng kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong sa Camp Crame.

Pinangunahan ni Father Robert Reyes ang misa na dinaluhan ng kanyang mga matalik na kaibigan at tagasuporta.

Matatandaan na isinelda si De Lima noong Pebrero 24, 2017 sa drug charges na inihain sa kanya ng Duterte administration.

Kilala si De Lima na mainit na kritiko ng administrasyong Duterte.

Matapos mamalagi ng halos pitong taon sa Camp Crame, pinayagan nang makapagpiyansa si De Lima noong Nobyembre 2023.

“After three months from my freedom, talaga namang I think I can say na naka-adjust na ako. Kakaiba ang pakiramdam ko dahil for the first time in seven years, nasa labas na ako while commemorating that eventful day seven years ago,” sinabi ni De Lima sa panayam ng ABSCBN News.

Nangako ang dating senador na lalaban para sa hustisya lalo pa’t humaharap din siya sa isa pang pending drug case.

Dagdag pa, nangako rin siya na lalaban para sa libo-libong naging biktima ng madugong drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay naman ng imbestigasyon ng ICC sa dating Davao mayor, ani De Lima:

“Dapat talaga mangamba siya. Naaamoy na niya siguro ‘yan. Yung katapusan ng imbestigasyon ng preliminary investigation ng ICC and the looming warrant of arrest.”

“That‘s probably one of the major reasons kung bakit yung speech niya, practically calling for coup d’etat, practically calling for uprising then calling the current President as a drug addict. Sa tingin ko act of desperation ‘yan,” dagdag pa niya, na tumutukoy sa pinakahuling speech ni Duterte na ipinanukala niyang ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas. RNT/JGC

Previous articleInjectable gluta ‘di aprubado ng FDA – DOH
Next articleIlang gov’t hospitals inihahanda ng NKTI bilang renal centers