Home HOME BANNER STORY De Lima ipinababasura na natitirang drug case laban sa kanya

De Lima ipinababasura na natitirang drug case laban sa kanya

MANILA, Philippines – Pormal na hiniling ni dating Senador Leila de Lima sa Muntinlupa RTC Branch 206 na ibasura ang nalalabi nitong drug case.

Batay sa 52 pahinang demurrer to evidence, hiniling ni De Lima na mapawalsng sala na sa kaso at ideklara siyang not guilty dahil sa kabiguan ng prosrkusyon na patunayan ang mga paratang.

Una nang inihayag kamakailan ng Supreme Court na sa sandaling aprubahan ng isang korte ang demurrer to evidence sa isang criminal case, katumbas nito ang pag-abswelto sa akusado at anumang paglilitis sa kaparehong kaso ay maituturing na double jeopardy.

Nakasaad sa mosyon na halos lahat ng mahahalagang ebidensiya ng prosekusyon ay naipresenta na sa isinagawang bail hearing.

Nabigo din umano ang mga ito na patunayang may personal knowledge sila na nakipagkasundo si De Lima sa kaniyang kapwa akusado sa Bilibid.

Binawi na rin ng mga testigo ng prosekusyon ang ang kanilang testimoniya laban kay De Lima.

Nabatid din sa mosyon na ang testimonial at documentary evidence na inoffer ng Prosekusyon ay gawa-gawa o inimbento lamang. Teresa Tavares

Previous article1M pasaherong dadagsa sa NAIA sa Holy Week break pinaghahandaan na
Next articleNasa likod ng recruitment ng Chinese sa PCG dapat panagutin – solon