MANILA, Philippines- Nagtirada si dating senador Former senator Leila De Lima nitong Miyerkules sa depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
“A matter of principle daw? No, it’s the workings of a twisted, malevolent mind,” saad sa tweet ni De Lima, matapos sabihin ni Dutertesa panayam na handa siyang makulong dahil sa anti-drugs campaign, kung saan libong indibidwal ang nasawi sa “matter of principle.”
“Since when was it a crime for a sovereign head of state, for me to threaten criminals? Sabi ko if you destroy my country, I will kill you,” ayon pa kay Duterte.
“The inducer, instigator, or mastermind of mass killings of alleged criminals (unproven; no due process) is himself a criminal, one of the worst kind,” sabi naman ni De Lima.
“Akala ba namin wala kang pakialam sa ICC o anuman gawin nito? You’re obviously scared, Mr. Duterte,” dagdag niya.
Batay sa datos ng pamahalaan, hindi bababa sa 6,200 drug suspects ang napatay sa police operations mula June 2016 hanggang November 2021. Subalit, ayon sa human rights groups, ang actual death toll ay nasa 12,000 hanggang 30,000.
Kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong Marso 2019 sa administrasyon ni Duterte. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng ilang government officials na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.
Inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang intensyon ang bansa na muling sumali sa ICC. RNT/SA