MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Muntinlupa City RTC na makapagpiyansa si dating Senador Leila de Lima matapos ang halos pitong taon na pagkakulong.
Sa open hearing, inihayag ng Muntinlupa RTC branch 206 na ang Criminal Case No. 17-167, ang kanyang huling kaso na dinidinig, kung kaya pinayagan na siya makapagpiyansa sa halagang P300,000.
Ayon sa legal team ni De Lima, handa sila na maglagak ng piyansa upang makahabol sa cut-off time at hindi na manatili pa ng isang gabi si De Lima sa Camp Crame.
Itinakda ang pagdinig nitong Lunes, Nobyembre 13, ni Judge Gener Gito upang dinggin ang motion to quash na inihain ng kapwa akusado ni De Lima na sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu.
Nakabinbin din sa naturang korte ang motion for reconsideration ng kampo ni De Lima kaugnay sa pagbasura noon ng dating humahawak sa kaso na si Judge Romeo Buenaventura sa hiling na pansamantalayang makalaya. Teresa Tavares