Home NATIONWIDE Deadline ng bid submission sa SETS project, iniurong ng Comelec

Deadline ng bid submission sa SETS project, iniurong ng Comelec

MANILA, Philippines – Inilipat ng Commission on Elections(Comelec) nitong Lunes, Pebrero 26 ang deadline para sa pagsusumite ng mga bid para sa Secure Electronic Transmission Services (SETS) project para sa May 2025 midterm polls.

“This Supplemental/Bid Bulletin No. 2 is being issued to notify the public and all interested parties that the scheduled submission, receipt, and opening of bids is hereby reset from 28 February 2024 to 29 February 2024,” sinabi ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa Bid Bulletin No. 2.

Ang paglipat ng deadline isang araw pagkatapos ng orihinal na petsa nito ay bilang tugon sa kahilingan ng mga prospective bidders para sa extension.

“May we request for an extension on the submission of the bid for at least 10 working days (2 weeks)? This will give us ample time to prepare and study our bid offer,” sabi ng China Mobile International.

Noong nakaraang buwan, binuksan ng Comelec ang public bidding para sa P1.64 bilyon SETS project.

Sa inisyal na deadline ng pagsusumite ng bids ay itinakda noong Pebrero 14 ngunit inilipat sa Pebrero 28.

Ang venue ng submission at receipt ng bids ay sa SBAC Secretariat Office pa rin sa Far East Managers and Investors Incorporated (FEMII) Building sa Intramuros Maynila sa o bago mag-alas-9 ng umaga.

Ang pagbubukas ng bids ay gaganapin sa Bureau of Treasury Convention Hall sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Maynila ganap na alas 10:30 ng umaga.

Nito lamang nakaraang lingo ay in-award na ng komisyon sa Joint Venture na Miru Systems Co Ltd, Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation at Centerpoint Solutions Technologies Inc (MIRU-ICS-STCC-CPSTI) ang Full Automation System na may Transparency Audit/Count (FASTrAC) project na aabot sa P18 bilyon.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na handa nitong sagutin ang mga katanungan sa kanilang desisyon na i-tap ang Miru System para sa proyekto sa Korte Suprema.

Naglabas ng pahayag si Garcia matapos kwestyunin ng election watchdog Democracy Watch Philippines ang kredebilidad ng kompanya sa ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP3.9M taniman ng marijuana sa Benguet sinira
Next articleWala pang budget sa hiwalay na detention facility sa mga Muslim – DOJ