Home NATIONWIDE Deadline ng Q3 contributions ng self-employed, voluntary members itinakda sa Oktubre 31...

Deadline ng Q3 contributions ng self-employed, voluntary members itinakda sa Oktubre 31 – SSS

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na hanggang Oktubre 31 na lamang ang pagbabayad ng mga self-employed, voluntary, at non-working spouse members ng ahensya para sa kanilang contributions sakop ang Hulyo hanggang Setyembre 2023.

Ang paalalang ito ng SSS ay dahil sa long weekend dahil sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Hindi kabilang sa deadline reminder ang pagbabayad ng mga land-based overseas Filipino worker.

Sinabi ng SSS na ang contribution payment deadline para sa land-based OFW members para sa buwan ng Enero hanggang Setyembre ay itinakda sa Disyembre 31 ng kaparehong taon, habang ang applicable months ng Oktubre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon ay may deadline naman na Enero 31 nang kasunod na taon.

Kung ang deadline ay papatak ng Sabado, Linggo o holiday, maaari pa ring bayaran ang contribution sa susunod na working day.

Sinabi ng SSS na may ilang accredited bank at non-bank collecting partners ang nag-aalok ng over-the-counter at online payment options para rito.

“These are in addition to the Automated Tellering System facilities located in selected SSS branches,” ayon sa SSS. RNT/JGC

Previous articleLions Int’l President Patti Hill to arrive for the 60th OSEAL Forum on Nov 2-5
Next articleSC naglabas ng guidelines sa mga iniisyung administrative warrant