Home NATIONWIDE Deadly Pertussis pumasok na sa Bulacan

Deadly Pertussis pumasok na sa Bulacan

Bulacan – Pinag-iingat ang magulang at mga tagapag-alaga sa mga paslit o mga sanggol sa mapanghawa at nakakamatay na sakit na Pertussis.

Ito ang napag-alaman sa Bulacan Provincial Health Office-Public Health (Bulacan PHO-PH) matapos magtala ng dalawang kaso ng Pertussis sa dalawang lungsod sa lalawagang ito.

Napagalaman na ang dalawang kaso ng Pertussis o kilala rin sa tawag na whooping cough ay naitala umano sa lungsod ng Meycauayan at San Jose Del Monte.

Dahil dito, agad na kumilos ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando na nagbigay direktiba sa Bulacan PHO-PH na aktibong tutukan ang naturang sakit at pagbibigay bakuna sa mga nararapat.

“Mayroon na pong bakuna laban sa Pertussis at ito po ay binibigay nang tatlong (3) dosis para sa mga batang nasa 1 1/2 month, 2 -1/2 month, 3 1/2 month old. Ang bakunang ito ay pandaigdigang nang ginagamit, subok na ligtas at epektibo. Ito po ay libre kung kaya’t agad na pong pumunta sa pinakamalapit na health center para panakunahan ang inyong mga anak,” ani Fernando.

Ayon sa ulat, ang Pertussis ay highly contagious respiratory tract infection na madaling kumalat ang bacteria sa pamamagitan ng hininga, pag-ubo at pagbahing.

Ilan sa sintomas ay ang common cold o pagsipon, lagnat at pag-ubo na posibleng lumala sa loob ng humigit kumulang dalawang linggo na sadyang delikado sa mga sa mga bagong silang na wala pang vaccines.

Posibleng makaranas ng apnea o paghinto ng paghinga, habol hininga at pagsusuka ang mga nahawahan ng naturang sakit.

Nabatid ng isang Rural Health Unit sa lalawigang ito na ang isang may sakit ay maaaring makahawa ng hanggang sa 18 iba pa, bata o matanda.

Sinasabing ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong para mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon na nakakamatay lalo na sa sanggol.

Payo ng kinauukulan, agad na komunsulta sa pinakamalapit na health center kung nakakaranas ng malubhang pag-ubo, pangingitim o pagkulay asul o hirap sa paghinga. Dick Mirasol III

Previous articlePagadian Airport isasara ng isang buwan
Next articleTolentino sa PPA: ‘Lakbay Alalay’ sa pet animals ngayong Semana Santa, kailangan