Home METRO Death toll sa shear line, 18 na – NDRRMC

Death toll sa shear line, 18 na – NDRRMC

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 18 ang death toll sa epekto ng shear line na nagbuhos ng malalakas na ulan sa Davao at Caraga regions noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos na makapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng dalawang karagdagang nasawi mula sa Davao region nitong Biyernes, Enero 26.

Sa kabila nito, 10 sa mga nasawi ang kumpirmado habang walo ang sumasailalim sa validation. Lahat ng mga ito ay mula sa Davao region.

Mayroon din na iniulat na walong nasaktan mula sa Davao.

Nasa kabuuang 191,376 pamilya o 847,237 indibidwal ang apektado sa 478 barangay sa dalawang rehiyon.

Sa kasalukuyan, tanging 162 pamilya o 489 indibidwal ang tumutuloy sa 10 evacuation centers habang ang 2,071 pamilya o 6,356 katao ang tumutuloy sa ibang lugar. RNT/JGC

Previous articleKim, aminadong naloko sa pag-ibig!
Next articleApela ng SMNI sa 2 suspended programs, ibinasura ng MTRCB