Home NATIONWIDE Debate sa pag-amyenda ng ‘Doble Plaka’ law, uminit sa Senado

Debate sa pag-amyenda ng ‘Doble Plaka’ law, uminit sa Senado

MANILA, Philippines – Nagsimula nang uminit ang deliberasyon sa panukalang amendahan ang Republic Act No. 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act, nan mas kilala bilang “Doble Plaka” Law matapos isalang ito sa plenaryo ng Senado.

Ayon kay Senador Francis Tolentino isponsor ng Senate Bill 2555 na naglalaman ng Committee Report 191 ang nagpanukala ng mga sumusunod:

1. Amending the section on registration of motorcycles by differentiating the case of new ownership from the case of subsequent sale, taking into consideration the several different modes by which ordinary people purchase a motorcycle such as repossessed motorcycles

2. Installation of RFID sticker at the front portion of the motorcycle instead of the original decal plates under RA 11235 for the safety of motorcycle riders

3. Adjusting the period within which the owner of the motorcycle may report any loss of number plate or RFID sticker

4. Adjusting the penalties of fine and imprisonment to a more reasonable amount and period

5. Adjusting the transitory provision to June 30, 2025 for motorcycle owners not in conformity with the provisions of SB 2555 to renew their registration, and December 31, 2025 for the Land Transportation to produce, release, and issue the number plates as required under the proposed measure.

Layunin ng RA 11235, nilagdaang sa nakaraang administrashyon, na maiwasan ang paggamit ng motorsiklo sa krimen sa pamamagitan ng paglalagay ng mas malaking plaka at iba pang identification marks.

Sinuspinde ang implementasyon ng batas matapos umalma ang ilang rider groups sa pangangailangan na nakatakda sa RA 12235, partikular ang paglalagay ng mas malaking plaka.

“Riders “deemed the law as discriminatory for singling out motorcycle riders in its scope, unfairly profiling them as potential criminals,” ani Tolentino.

Binanggit din ni Tolentino sa kanyang privilege speech na maaaring malagay sa panganib ang rider sa paglalagay ng “doble plaka” dahil maapektuhan nito ang aerodynamics ng motorsiklo.

Masyadong maikli din ang panahon sa pagpaparehistro at pag-uulat ng transfer of ownership ng motorsiklo na nakatakda sa batas, ayon sa senador.

“The law if not amended at the appropriate time is akin to a sword of Damocles hanging over the heads of our motorcycle riders, as there is no assurance when the suspension will last and there is that constant fear that the same might be lifted anytime, leaving them with no choice but submit to the law no matter how harsh or discriminatory the latter is,” ayon kay Tolentino. Ernie Reyes

Previous article2 bidder para sa 2025 online elections ligwak sa Comelec
Next articleE-trikes bawal na sa national roads ng Taguig