Home NATIONWIDE Debosyon sa Sto. Niño idiniin ni Tolentino sa Sinulog sa Cebu

Debosyon sa Sto. Niño idiniin ni Tolentino sa Sinulog sa Cebu

Sinulog sa Cebu City - Nagtalumpati si Sen Francis "Tol" Tolentino sa malaking pulutong ng Cebuano sa pagsisimula ng Sinulog Festival kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangang magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ng bansa mula sa Poong Maykapal.

CEBU CITY — Nakiisa si Senador Francis “Tol” Tolentino sa libu-libong Cebuano at turista sa pagdiriwang ng Sinulog sa Lalawigan 2024 nitong Linggo.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Sen. Tol ang kanyang matinding debosyon sa Sto. Niño na ipinagdiriwang ng nasabing kapistahan.

“Bago ako kumuha ng bar exams noong araw, and I attribute this to prayers as well as graces coming from Sto. Niño, ako po ay sumimba nang matagal dito sa Basilica. Before the results of the bar exams, nandito na naman ako sa Cebu para magdasal ulit,” ang gunita ng senador.

Aniya, ang kanyang matibay na paniniwala sa paggalang sa Sto. Niño ay hindi natitinag sa paglipas ng mga taon.

Kasabay nito’y pinuri ni Tolentino ang aktibong partisipasyon ng lahat ng mga nagtanghal sa Sinulog.

“Let the echoes of your joyful festivities reach the heavens creating a symphony of gratitude and devotion,” pagtatapos ni Sen. Tolentino. RNT

Previous articleNene pinatay, ibinaon sa loob ng kweba sa Quezon
Next article76.6% consolidation rate, nakuha ng gobyerno sa PUV modernization