MANILA, Philippines – Nagtapos ang 2022 sa total outstanding debti ng Pilipinas sa P13.42 trilyon kasabay ng bahagyang pagbuti sa debt-to-GDP ratio dahil sa mabilis na pag-usbong ng ekonomiya.
Ito ang iniulat ng Bureau of Treasury nitong Huwebes, Pebrero 2 kung saan ang debt total ay 1.7% na mas mababa kumpara noong Nobyembre 2022 dahil sa pagtaas ng halaga ng piso.
Samantala, ang full-year national government debt naman ay tumaas ng P1.69 trillion o 14.4%.
Sa kabila nito, bumuti sa 60.9% ang debt-to-GDP ratio sa katapusan ng 2022 mula sa 63.7% sa ikatlong bahagi ng nabanggit na taon.
Ayon sa BTr, ang pagbuting ito ay sumasalamin lamang sa “consistent drive to bolster debt sustainability through prudent cash and debt management backed by resurgent economic growth.”
“Going forward, faster growth in the economy, together with tax and other fiscal reform measures to further structurally increase tax revenue collections and combined with more disciplined spending would help further reduce/improve the debt-to-GDP ratio to below the 60 percent international threshold to help sustain the country’s favorable credit ratings at 1-3 notches above the minimum investment grade,” sinabi naman ni RCBC Chief Economist Treasury Group Michael Ricafort.
Sa kabila nito, posibleng dumagdag sa debt stock ng bansa ang paglalabas ng US$3 billion global bond ngayong Enero.
Sa nabanggit na total outstanding debt, P9.21 trilyon ang domestic borrowings habang P4.21 trilyon naman ang external debt. RNT/JGC