Home NATIONWIDE December inflation posibleng pumalo sa 4.1% – ekonomista

December inflation posibleng pumalo sa 4.1% – ekonomista

MANILA, Philippines- Posibleng manatili ang headline inflation sa 4.1 porsyento ngayong December sa patuloy na pagbaba ng global oil prices, ayon sa ekonomista nitong Martes.

“My inflation estimate for December 2023: 4.1 percent year-on-year largely due to the net decline in global crude oil prices,” ani Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort.

Lumuwag ang headline inflation further sa 4.1 porsyento nitong November, bahagya lamang mas mataas sa 2 hanggang 4 porsyentong target range ng pamahalaan.

Sinabi ni Ricafort na posibleng makatulong ang mas malakas na palitan ng piso sa dolyar sa importation costs at kabuuang inflation.

“Relatively better weather conditions in most parts of the country during the month would still help inflation [to be] relatively slower,” wika niya.

Posible rin umanong pumalo ang inflation sa target ng pamahalaan hangga’t hindi nagkakaroon ng pag-igting ng geopolitical risks partikular sa Israel-Hamas war at potensyal na epekto ng world oil prices, dagdag niya.

“Provided [also that there will be] no large storm or El Niño drought damage that tends to increase food prices, for the rest of 2023, headline inflation could be around 4 percent for December 2023 or possible to already within the 2 to 4 percent inflation target,” wika ng opisyal.

Ayon pa kay Ricafort, sa pagluwag ng inflation sa nakalipas na buwan, mapapanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang policy rates nito.

“Thus, easing inflation trend in recent months, still relatively stronger peso exchange rate versus the US dollar in about 4.5 months, and 5-month lows for global crude oil prices would support a pause in local policy rates, or at least reduce the urgency for any additional local policy rate hikes, especially if the Israel-Hamas war does not spread in the Middle East,” pahayag ni Ricafort. RNT/SA

Previous articleConsignee ng P56M shabu package kalaboso!
Next articleBangkang napinsala sa pagbangga babayaran ng Chinese firm – PCG