Home NATIONWIDE Defense alliance pinagtibay ng PH, US defense secretaries

Defense alliance pinagtibay ng PH, US defense secretaries

177
0

MANILA, Philippines- Nagpulong ang defense secretaries ng Pilipinas at ng US sa ikalawang pagkakataon ngayong 2023 upang pagtibayin ang’ “ironclad defense allianceā€ ng dalawang bansa.

Ito ay kasunod ng insidente kamakailan sa Ayungin Shoal kung saan hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard vessel na nagsasagawa ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre.

“US Secretary Lloyd Austin III reaffirmed the US’ commitment to provide intelligence, surveillance, reconnaissance support,” pahayag ng Department of National Defense (DND).

Nangako sina DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Austin na pabilisin ang ā€œpending defense initiatives,” kabilang ang General Security of Military Information Agreement (GSOMIA) at ang implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Gayudin, pinasalamatan ni Teodoro si Austin sa tulong ng US at relief efforts sa kasagsagan ni Bagyong Egay.

Siniyasat din ng dalawang bansa ang mga paraan upang paigtingin ang kooperasyon sa Humanitarian Assistance and Disaster Response, partikular sa pamamagitan ng EDCA designated areas.

Natapos ang pulong nina Teodoro at Austin sa pagtitiyak nila na pananatilihin ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region.

Noong Pebrero, nag-courtesy call si Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacanang Palace kung saan binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Manila at Washington. RNT/SA

Previous articlePagpapalawig ng EO sa reduced tariffs tablado sa SINAG
Next articleTransport groups sa LTFRB: Surcharge petition desisyunan na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here