Home NATIONWIDE Defense chief nagsimula nang umikot sa EDCA sites

Defense chief nagsimula nang umikot sa EDCA sites

264
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang mag-ikot si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga lokasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Sa pahayag ng Department of National Defense (DND) nitong Huwebes, Agosto 10, sinabi na unang binisita ni Teodoro ang Calayan, Cagayan kung saan dumalo siya sa town hall meeting kasama si Calayan Mayor Joseph Llopis at Sangguniang Bayan.

Pinag-usapan ng defense chief ang patungkol sa seguridad at tulungan ng lokal na pamahalaan at defense sector kaugnay nito.

Binisita rin ni Teodoro ang headquarters ng 4th Marine “Makusug” Brigade ng Philippine Marine Corps sa Camp Cape Bojeadors sa Ilocos Norte.

Ani Teodoro, nakatakda niyang bisitahin pa ang ibang EDCA sites at base militar.

Matatandaan na noong Pebrero ay nagkasundo ang Pilipinas at US na maglagay ng apat na bagong sites para sa full implementation ng EDCA.

Ito ay itatayo sa Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan. RNT/JGC

Previous articleGunman sa Resorts World attack, inabswelto ng SC sa kasong dishonesty
Next article1.3M tsuper, operators tatanggap ng fuel subsidy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here