Home NATIONWIDE ‘Defense pact’ sa Japan, ‘di pa natatalakay – PBBM

‘Defense pact’ sa Japan, ‘di pa natatalakay – PBBM

87
0

MANILA, Philippines- Hanggang ngayon ay wala pang pormal na pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Japan hinggil sa posibleng  defense cooperation deal na kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sa ngayon ay tinutulungan ng Japanese government ang Philippine Coast Guard sa equipment at iba  pang  capacity-building measures.

“Yung support nila sa Coast Guard, matagal na yan… that kind of cooperation has been ongoing. Siguro sa kanilang palagay, the next step is to the improvement, rehabilitation sa Subic, para nga sa Coast Guard,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Naturally, the reason behind all this is they would like to have more patrols along… South China Sea para naman we can assure the freedom of passage,” dagdag na wika nito.

Aniya, siya at ang kanyang Japanese counterpart ay may layuning pagyamanin ang seguridad sa “region at cooperation” sa panahon ng kanyang official visit sa Japan.

Sabay sabing, mahalaga na gawing makabago ang  armed forces ng Pilipinas.

“So this is a new element to our relationship because we’re now talking about security of the region. So being, of course, all interested in the same thing, i.e., security in the region, I think cooperation is not a bad thing,” ayon sa Chief Executive. Kris Jose

Previous articleBus terminal sa Cubao, nasunog!
Next articleJapanese semiconductor firms, nangakong mamumuhunan sa Pinas