Home NATIONWIDE Delegasyon ng PH sa WHO session vs tabako, pinalagan sa Senado

Delegasyon ng PH sa WHO session vs tabako, pinalagan sa Senado

MANILA, Philippines – Matinding pinalagan sa Senado ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdalo ng ika-10 sesyon ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) na lumilikha ng mga hakbangain laban sa paninigarilyo na pawang pro-tobacco industry.

Sa pahayag, kapwa binatikos nina Senador Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano amg delegasyon matapos matuklasan na habang gumagawa ng hakbangin ang ilang bahagi ng mundo upang pigilan ang paninigarilyo, tila tumatakbo ang bansa sa kabilang direksyon.

“The reality is that the Philippines, at this point in time, both with the law and with the representations made, is pro-tobacco,” ayon kay Senador Alan Peter sa isang pandinig kamakailan ng Blue Ribbon Committee ukol sa pagtanggap ng bansa ng “Dirty Ashtray” Award sa ikalimang pagkakataon.

Sinusugan din ito ni Sen Pia matapos kuwestiyunin ang intensyon ng delegasyon ng Pilipinas na dumalo sa 10th session ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC).

Ayon kay Senador Pia, ang “Dirty Ashtray” Award ay binigay sa Pilipinas dahil sa “delaying tactics” ng bansa sa pagpapatupad ng Articles 9 at 10 ng FCTC na nagmamandato product disclosure at testing measures sa tabako.

Giit pa niya, ang mga miyembro ng delegasyon ay kinabibilangan ng mga tobacco industry players na “nagkukunwari” lamang na kumakatawan sa mga magsasaka ng tabako.

Sa totoo lang, anila, ginulo lang nila ang layunin ng pakikilahok ng bansa sa kumperensya.

“Kung farmers ang gusto mo proteksyonan, bakit mo pinipigilan y’ung mga Articles (9 at 10) tungkol sa testing at measuring (ng produktong tabako) ?” tanong ni Senador Pia.

Binigyang-diin naman ni Senador Alan ang kasaysayan ng industriya ng tabako sa pagkubli ng katotohanan at pagpigil ng impormasyon sa mga mapaminsalang epekto ng nito, na siyang dahilan sa pagtaas ng paggamit ng tabako lalo na ng mga kabataan.

Isinaad din ng senador na hindi dapat nagbabago ang paninindigan ng bansa laban sa tabako.

“The problem for me is when we present ourselves as anti-tobacco, but we are pro-tobacco,” aniya.

Ipinunto rin ni Senador Alan na ang industriya ng tabako sa bansa ay nakikinabang lamang sa kapitalista at iniiwan sa magsasaka ang maliit na bahagi ng P160 bilyong taunang kita ng industriya.

“Let’s not say we are protecting the farmers here, kasi the farmers only get P1 billion, kulang pa ‘yon,” saad ni Senador Alan.

“I would like us to have a policy that will help farmers, help those who will be affected in the industry, and the young people,” dagdag niya. Ernie Reyes

Previous articleGolden Rose, iginawad ni Pope Francis sa Antipolo Shrine
Next articleObrero kinatay ng katrabaho