Home NATIONWIDE Deliberasyon sa 2024 DSWD budget tapos na

Deliberasyon sa 2024 DSWD budget tapos na

MANILA, Philippines- Natapos na ng House Committee on Appropriations nitong Huwebes ang budget briefing sa panukalang P209.92-billion appropriation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at attached agencies nito para sa 2024.

Sa budget briefing, binigyang-diin ni Committee Vice Chairperson Jocelyn Sy Limkaichong ang kahalagahan ng social services at capacity building sa pagprotekta sa marginalized sector.

Sinabi niya na nilalayon ng Kamara na tugunan ang mga pangangailangan ng publiko nang hindi nakokompromiso ang fiscal prudence nito.

Inihayag ni Limkaichong, siyang dedepensa sa DSWD budget sa plenaryo, isusulong niya ang budget increase para sa ahensya sakaling kailanganin ito.

Ilang miyembro ng Kamara ang naghayag ng suporta para sa DSWD, maging sa pagdaragdag sa 2024 budget upang mas maraming Pilipino ang mabenepisyuhan ng social services at programs ng DSWD.

Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, dating Valenzuela representative, na committed ang ahensya sa pagsusulong ng social welfare empowerment at social protection para sa lahat ng Pilipino.

Nakatuon umano ang mga inisyatiba ng DSWD sa “fostering a society where every individual, regardless of his or her circumstances, can thrive and contribute to the betterment of our nation.”

Iniulat din ni Gatchalian na maglulunsad ng mga bagong programa ang ahensya, gaya ng Tara, BASA! Tutoring Program, at OPLAN Pag-Abot.

“We, in DSWD, remain steadfast in our mission to uplift the lives of those who are most in need. We recognize that our responsibilities extend far beyond the confines of a fiscal year or a budgetary cycle. Our dedication to creating a society that values the dignity and potential of every individual continues to drive our efforts,” aniya. RNT/SA

Previous articleBIR exec sa mga Pinoy: Makiisa sa pagkamit ng P2.6T collection target
Next article#WalangTubig sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque