Home HEALTH Delikadong Christmas lights, decors ibinabala sa publiko

Delikadong Christmas lights, decors ibinabala sa publiko

844
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng muling pagsisimulang pagbenta sa merkado ng mga Christmas lights at decors, nagbabala naman ang toxic watchdog group na BAN Toxics sa publiko laban sa mga Christmas lights at decors na ibinebenta na hindi pumasa sa kalidad at kaligtasan na pamantayan ng regulasyon.

Noong weekend, napansin ng BT Patrollers ng BAN Toxics ang maagang pagbebenta ng mga Christmas lights at dekorasyon sa mga tindahan sa Pasay City. Ang grupo ay nagmonitor at nagdokumento ng larawan sa mga uri ng holiday products at nalaman na ang mga decors ay walang tamang label, habang ang mga Christmas lights ay walang Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker na nagpapahiwatig ng kaligtasan at kalidad ng produkto nito.

“The sale of improperly labeled and/or unregistered holiday decorations can be a potential source of toxic chemical exposure such as lead and cadmium that may cause unreasonable risk to public health,” ani Thony Dizon, Toxics Campaigner of BAN Toxics.

“We call the attention of our regulatory agencies to conduct early post marketing surveillance in public markets and eventual confiscation of the products if they do not comply with the regulation in the country,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang taon, naglabas ang grupo ng babala sa pagbebenta ng mga holiday light na naglalaman ng mataas na antas ng lead at cadmium mula 25,500 parts per million (ppm) hanggang 224,000 ppm, na higit sa 1,000 parts per million (ppm) na limitasyon para sa lead. Ang mga ilaw ay mayroon ding cadmium mula 265 ppm hanggang 506 ppm na higit sa 100 ppm na limitasyon para sa cadmium sa ilalim ng European Union (EU) Directive on Restriction of Hazardous Substances (RoHS).

Ang pagkakalantad sa lead ay maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan para sa kalusugan ng mga bata. Sa mataas na antas ng pagkakalantad sa lead sa utak at central nervous system ay maaaring mapinsala nang husto na nagiging sanhi ng pagkawala ng malay, kombulsyon at maging ng kamatayan, habang ang cadmium ay nagdudulot ng mga nakakalason na epekto sa mga bato pati na rin ang mga skeletal at respiratory system. Ito ay inuri bilang isang human carcinogen. RNT

Previous article1 sa 4 na batang Pinoy, bansot – DOH
Next articleReporma vs red tape pagbubutihin ng CSC at ARTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here