Home NATIONWIDE Delivery ng bivalent COVID vax sa bansa, muling naantala

Delivery ng bivalent COVID vax sa bansa, muling naantala

417
0

MANILA, Philippines – Muling maaantala ang delivery ng unang bivalent COVID-19 vaccine sa bansa, sinabi ng Department of Health.

Una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na matatanggap ng bansa ang nasa 390,000 doses ng bivalent vaccines laban sa nasabing sakit.

“As per the DOH – Bureau of International Health Cooperation (BIHC), there shall be a slight delay in the arrival of the bivalent vaccines as there are permits that are still needed to be coordinated,” sabi ng DOH sa isang pahayag

Pagtitiyak ng DOH, ginagawa nito ang lahat ng pagsisikap na matanggap ang mga bakuna sa katapusan ng buwan.

“With regard to the preparation and implementation of the roll-out of the bivalent vaccine, the Department Memorandum has already been signed and only awaiting for its release,” sabi ng kagawaran.

Ang delivery ng bivalent vaccines ay unang naantala noong Marso habang ang DOH ay naghahanap ng iba pang legal na remedyo.

Ito ay matapos mag-expire noong Disyembre 31 ang state of calamity ng bansa para sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMaricel, bet si Enchong at Joshua!
Next articleBoss ni Mayo, pina-contempt ng Senado sa P6.7B shabu haul cover-up

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here