Home METRO Delivery rider na suma-sideline bilang tulak, arestado sa QC

Delivery rider na suma-sideline bilang tulak, arestado sa QC

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang deliver rider sa pagbebenta ng illegal na droga sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nakuha mula sa 28-anyos na suspek ang mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Commonwealth.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng concerned citizens na may nagtutulak sa kanilang lugar. Napag-alaman na Enero lamang nagsimulang sumideline ang suspek bilang tulak.

Narekober mula sa kanya ang nasa 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.

Inaalam ng pulisya kung sino ang nagbabagsak ng droga sa suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC

Previous articleDOJ ‘di titigil para sa hustisya sa kaso ng missing sabungeros
Next articlePrime suspect sa kaso ni Catherine Camilon ‘di dumalo sa Senate probe, buntis na asawa idinahilan