Home NATIONWIDE Demo ng automated poll system ng Miru idaraos sa Kongreso

Demo ng automated poll system ng Miru idaraos sa Kongreso

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nakatakdang ipakita ang pagsasagawa ng South Korean firm-Miru Systems ng isang bagong automated election system para sa 2025 national at local elections sa harap ng mga mambabatas sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, pupunta ang poll body sa Kongreso sa Marso 5 para magsagawa ng demo ng mga prototype machine ng Miru.

Sinabi ni Garcia na nakikipag-usap na ang komisyon sa contract negotiations sa Miru para sa demo upang maalis ang agam-agam ng mga kababayan lalong-lalo na sa Senado at Kamara ay mapawi at magkaroon ng kasagutan sa mga katanungan patungkol dito.

Noong nakaraang Huwebes, iginawad ng Comelec sa Miru Systems ang P17.99 bilyong kontrata para sa mga VCM para sa halalan sa 2025.

Sinabi ni Garcia na magpapaupa ang Miru sa Comelec ng humigit-kumulang 110,000 machine at peripheral kabilang ang mga ballot box, laptop, at iba pang kinakailangan sa pag-imprenta para sa 2025 na botohan.

Nagsagawa din ang poll body ng end-to-end testing ng mga prototype machine ng Miru bilang bahagi ng post-qualification evaluation nito para sa pagkuha ng bagong automated election system.

Nauna na ring nagsagawa ng mock election ang Special Bids and Awards Committee ng poll body gamit ang Miru.

Sinabi ni Garcia na kahit mga citizens arm na dumalo sa demo ay walang violent reaction sa mga VCM ng Miru.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang mga mambabatas, election watchdog, at iba pang grupo at nanawagan sa Comelec na manatiling mapagbantay at suriin ang track record ng Miru.

Ngunit, sinabi ng Miru Systems na mali ang mga paratang ng mga election failure dahil sa teknolohiya nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSamar inuga ng M-4.6 na lindol
Next articleP600K shabu, baril nasamsam sa 2 suspek