Home ENTERTAINMENT Denise, may mensahe sa 3:16 Media Network!

Denise, may mensahe sa 3:16 Media Network!

Manila, Philippines – May bagong project ang sexy actress na si Denise Esteban, Haslers ang tentative title nito at ang mga kapwa niya VMX Bellas na sina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, at Hershie de Leon ang bumubuo ng movie.

Ang pelikula ay prodyus ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at mula sa pamamahala ni Direk Jose Abdel Langit.

Kuwento sa amin ni Denise, “Iyong Haslers po ay kuwento ng apat na magkakaibigan, sina Hazel, Cheska, Thea, at Sofia. Pare-parehas po silang mahihirap dito, so kailangan nilang humasel para may pang-aral.

“Si Hazel po rito pusher siya, si Thea may sugar daddy, si Cheska naman ay isang topless maid and si Sofia po nagwo-work na waitress sa maliit na restaurant.”

Esplika pa ng aktres, “Ako po rito si Sofia, ako yung galing sa mahirap na pamilya.

“Si Quinn po rito si Hazel, siya po yung pusher ng drugs. Si Hershie po si Thea, yung proud na may sugar daddy and si Angelica po si Cheska, yung topless maid.”

First time niya bang naka-work sina Quinn, etc? Kumusta sila ka-work?

“Si Angelica po ang naka-work ko na before. Naka-work ko po sa Kaliwaan, si Angelica ang sa High On Sex. Sina Marco, Quinn po at Hershie, plus Calvin (Reyes) ang first time ko naka-work.

“Okay naman po sila ka-work, lalo na outside po… close kaming lahat, kasi nasa grupo po kami, masaya po kami sa set.”

Nabanggit ni Denise na nagpa-sexy din siya sa movie. Ipinahayag din ng dalaga ang kanyang pasasalamat sa lady boss ng 3:16 Media Network na si Ms. Len.

Wika ni Denise, “Super-happy po ako na nakagawa ako ng movie/project under 3:16 and siyempre po, super thankful po ako sa kanila dahil pinagkatiwalaan po nila ako, binigyan nila ako ng magandang project.

“Si Nanay Len, first time ko rin po siyang naka-work and sobrang laki po ng tulong niya sa akin and super-thankful po ako sa kanya,” nakangiting sambit pa ni Denise. Nonie Nicasio

Previous articleComelec magsasampa ng kaso vs LGU official na nakialam, nagbanta sa BSKE
Next articleBSKE 2023 maraming winasak na relasyon