Home ENTERTAINMENT Dennis, bet makatikim ng minumura!

Dennis, bet makatikim ng minumura!

Manila, Philippines- Naging vocal si Dennis Trillo sa pagsagot sa ilang mga katanungang ibinato sa kanya sa episode na “Ä Very Serious Interview” ng GMA Network.

Ayon sa magaling na actor, greatest achievement daw para sa kanya ang tumagal ng almost twenty years sa industriya.

Di biro rin daw kasi ang hirap na pinagdaanan niya noong struggling artist pa siya.

Katunayan, dumating daw siya sa punto noon na gusto na niyang i-give up ang kanyang career.

Wala raw kasi siyang natatanggap na projects noon sa movies, television at maging sa commercials.

Aniya, nakatulong daw na nag-attend siya ng workshops para magkaroon siya ng kaalaman sa larangang kanyang pinasok.

Dream role raw naman niya ay ang maging kontrabida.

Bet daw niya iyong kinamumuhian siya ng mga tao at iyong tipong pag nakita sa labas ay minumura.

Ibig daw kasing sabihin noon ay effective siya bilang actor.

Gusto rin daw kasi niya makita at ma-feel kung gaano ka-affected ang mga tao sa kanyang performance sa isang anti-hero role.

Sa ngayon ay naghahanda na raw siya sa kanyang first international project na excited na siyang umpisahan.

Tungkol naman sa maipapayo niya sa mga baguhan sa showbiz para magtagal, importante raw na mahal ng mga ito ang kanilang mga trabaho.

Malaki rin daw na bagay na marunong silang rumespeto sa mga taong makakatrabaho. Archie Liao

Previous articleWalang inaasahang bagyo ‘gang sa katapusan ng Enero – PAGASA
Next articleTask force laban sa pekeng 9G visas, itinatag