Home ENTERTAINMENT Dennis, boto kay Gerald; Julia, ayaw pang pag-asawahin!

Dennis, boto kay Gerald; Julia, ayaw pang pag-asawahin!

Manila, Philippines- Sa nakikita raw ni Dennis Padilla ay walang dudang mahal na mahal ni Gerald Anderson ang kanyang anak na si Julia Barretto.

‘Yun nga lang daw, the comedian has to engage Gerald in a man-to-man talk tulad ng ginawa raw nilang pag-uusap noon ni Joshua Garcia.

Si Joshua ang dating nobyo ni Julia.

While Dennis approves of Gerald for his daughter, hindi pa raw niya makitang lumagay si Julia sa tahimik.

“Huwag na muna, boyfriend lang muna sa ngayon,” pag-amin ni Dennis.

Pero kung sa kasalan din daw mauuwi ang lahat, Dennis only has one wish: na siya ang maghatid kay Julia sa altar.

“Pero kung hindi naman, okey lang na imbitahan nila ako para ma-witness ko ang espesyal na araw sa buhay ng anak ko,” aniya.

At 62, nasa stage na raw si Dennis na gusto nang magkaroon ng apo.

Lahad niya: “Ang dami-dami kong anak na kung tutuusin, eh, puwede na ring magkaanak. Pero ayaw pa rin nila, eh!”

Self-contradictory nga lang ang statement niya.

Gusto niya ng apo, pero ayaw naman muna niyang pag-asawahin si Julia.

Same thing, Dennis sees Gerald as a guy who makes a good husband yet he can’t imagine seeing Julia married to him.

Whatever, basta masaya raw si Dennis dahil nag-reach out na rin daw finally si Julia.

Wish ng komedyante’y mag-usap sila ng anak over dinner.

The same, aniya, goes for his two other kids with Marjorie Barretto Claudia and Leon. Ronnie Carrasco III

Previous article4 Australian lawmakers nagprotesta vs pagbisita ni PBBM
Next articlePagsipot sa congressional probe pinag-iisipan pa ni Quiboloy – abogado