Home ENTERTAINMENT Dennis, may bago nang jowa, ‘nilayasan’ ng asawa!

Dennis, may bago nang jowa, ‘nilayasan’ ng asawa!

Manila, Philippines- Para kay Dennis Padilla, there will always be another chance at love.

At 62, masaya at proud ang komedyante that he’s into another relationship– his third.

Taong 2020 pala nang magdesisyon sila ng kanyang asawa na maghiwalay.

Dinala ng kanyang ex-wife ang kanilang dalawang anak–sina Gavin, 11 at Maddie, 6–sa Sydney, Australia.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay patuloy ang sustento ni Dennis para sa pag-aaral ng mga bata.
Buti na lang, may pinagkakakitaan siyang trabaho rito.

Sa ngayon, nilalakad ng komedyante ang kanyang Australian visa para madalaw ang kanyang mga anak.

Despite their separation ay maayos naman daw ang co-parenting set-up nila ng dating asawa.

Hindi binanggit ni Dennis kahit man lang katiting na description tungkol sa kanyang bagong nobya.

But based on his looks, masaya naman ang aura niya.

To borrow an idiomatic expression, sana’y Dennis will stop “sowing wild oats” sa kanyang bagong nobya.

Tatlo ang biological kids niya kay Marjorie Barretto, dalawa sa pangalawa, problemado na nga siya sa usapin ng pananalapi, ‘di ba? Ronnie Carrasco III

Previous articleMagulang ni Jemboy dismayado sa desisyon ng korte, ‘isang pulis lang makukulong’
Next articlePH Navy: Maritime Zones Act magbibigay sa AFP ng ‘better defense approach’