Home OPINION DENR PARARANGALAN ANG PINAKAMALINIS NA MGA ESTERO SA METRO MANILA

DENR PARARANGALAN ANG PINAKAMALINIS NA MGA ESTERO SA METRO MANILA

INILABAS na ng DENR-NCR o Department of Environment and Natural Resources – National Capital Region ang updated guidelines at pamantayan ng pagpili para sa “Gawad Taga-Ilog” na isang kompetisyon ng local government units sa Metro Manila para sa may pinakamalinis na estero ngayong 2023.

Sa ika-apat na taon ng parangal sa mga “most improved esteros” sa NCR, bibigyang pansin ang sustainability – economic, enhanced environment, at social.

Ayon kay DENR-NCR executive director Jacqueline Caancan, pagbabasehan din ng mapipiling mananalo ang kaugnayan ng isang estero sa kabuuang rehabilitasyon ng Manila Bay, lalo pa’t karamihan sa mga ilog at estero ay konektado rito.

Mayroong dalawang kategorya ang kompetisyon, Category A ay labanan ng lahat ng mga kwalipikado sa titulo bilang improved esteros, at ang Category B naman ay maglalaban-laban ang mga dati nang nagsipanalo.

Ang bawat LGU ay maaari lamang na pumili ng ino-nominate na isang estero.

Pagbabasehan ng magsisipagwagi ang pamamahala sa solid at liquid wastes, estado ng informal settler families at mga iligal na istraktura, habitat and resources, at ang sustainability and partnership. Nakabase ang mga criteria sa Operational Plan for Manila Bay Coastal Strategy.

Ang mga Metropolitan Environment Offices na nasa ilalim ng DENR-NCR ang siyang magsasagawa ng screening process, field validation at deliberasyon.

Tatakbo ang kompetisyon mula November 2023 hanggang February 2024. Nakatakdang igawad ang parangal sa mga mananalo sa March 22, 2024 na siyang World Water Day.

MAG-INGAT SA MGA NAGPAPANGGAP NA OFFICIAL  COVID VACCINATION REGISTRY WEBSITE

PINAG-IINGAT ng DOH o Department of Health ang publiko sa mga social media account na nagpapanggap bilang government’s official COVID vaccination registry website.

Ang websites na ito ay mga fake account na humihingi ng pera para sa VaxCert o vaccination. Sabi pa ng DOH, nananati­ling libre ang mga sertipikong ito para sa mga Filipino at maging mga dayuhan.

Previous articleQC-PLEB nagulat, Abong aktibo pa rin sa PNP sa kabila ng dismissal order noong Marso
Next articleESTRATEHIKONG PAGPABOR SA ICC