Home NATIONWIDE DENR: PH air quality bumuti sa H1 ng 2023

DENR: PH air quality bumuti sa H1 ng 2023

MANILA, Philippines- Naobserbahan ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang pagbuti ng air quality sa bansa mula January hanggang June 2023.

Sinabi ng DENR nitong Martes na base ang improved air quality sa amount ng particulate matter (PM) sa atmosphere.

Anang DENR, bumaba ang naitalang EMB recorded sa PM10 sa Metro Manila, na may bahagyang pagtaas sa buong bansa.

Ang PM10 ay microscopic matter na nakasuspinde sa hanging na 10 micrometers o mas mababa tulad ng alikabok mula sa mga daan.

Bagama’t kaya itong salain ng katawan, maaari itong makairita ng mata, ilong at lalamunan.

Ang 24-hour acceptable threshold standard level o guideline value para sa PM10 ay 150 ug/ncm (micrograms per normal cubic meter) habang ang annual guideline value ay 60 ug/ncm. RNT/SA

Previous articleNanalong barangay kagawad niratrat, patay!
Next articleGuro pinagsasaksak, patay sa loob ng paaralan!