Home METRO Dentista pinasok sa klinik, tinusok mata sa ‘atraso’

Dentista pinasok sa klinik, tinusok mata sa ‘atraso’

356
0

CEBU CITY- NAGPAPAGALING ngayon sa ospital ang isang dentista matapos siyang pasukin sa kanyang klinika ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan saka tinusok ang mga mata noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Dr. Charles Sia, 41-anyos, at nakatira sa Sto. Niño Village, Barangay Banilad, Cebu City.

Ayon kay PCapt. Mark Don Alfred Leanza, hepe ng Abellana Police Station, bandang 2:19 PM ng pasukin ng mga suspek ang biktima sa loob ng kanyang clinic sa Queens Road, Redemptorist church Barangay Kamputhaw, Abellana, Cebu City.

Kwento ni Neña Rose Rosell Bardisco, secretary ni Sia, inilarawan lamang niya ang mga suspek na nakasuot ng kulay green at itim na jacket.

Aniya, pumasok ang mga ito sa loob ng clinic at nagpanggap ng mga delivery rider saka hinanap ang biktima ay sinasabing mayroon silang item na kailangan si Sia ang tumanggap.

Hanggang sa bumunot na lamang ng baril ang suspek na nakasuot ng green na jacket at tinungo ang doctor na noo’y may pasyente.

Agad na pinosasan ng mga suspek ang mga kamay ng doctor, secretary, ganun din ang pasyente at asawa nitong kasama.

Dito, na tinusok ng suspek ang mga mata ng doktor at bago tumakas ay nagbitaw ng salita ang isa sa suspek na “malaki ang atraso nito sa akin.”

Mabilis naman tumawag ng ambulansya sa Emergency Rescue Unit Foundation saka dinala sa ospital si Sia at patuloy na obserbahan ang kanyang mga mata.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa tunay na pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico

Previous articleP145-B dagdag-kita sa ipapataw na 12% VAT sa digital transactions-DoF
Next articleBatas na nanlilibre sa utang ng magsasaka tintado na ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here