DepEd, ikinasa ang Brigada jingle contest

DepEd, ikinasa ang Brigada jingle contest

February 27, 2020 @ 3:08 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ikinasa ng Brigada jingle campaign contest ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampublikong paaralan para sa susunod na pasukan.

Naglabas ng panuntunan sa naturang patimpalak si Education Secretary Leonor Briones sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 16 sa pakikipagtulungan ng External Partnerships Service (EPS) mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

May tema itong “Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan,” na naglalayong itampok ang mga talento ng mga mag-aaral upang makahimok ng mga volunteers at partners para sa mga aktibidad ng ahensya.

Ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral, solo man o grupo mula elementarya at highschool ng mga pampublikong paaralan.

Samantala, ang tatanghaling panalo ang magiging opisyal na campaign jingle sa darating na pasukan, at mag-uuwi ng mga papremyo at parangal, habang ang hindi papalaring pasok sa Top 10 ay mag-uuwi rin ng consolation prices. Remate News Team|Eleane Melendez

Share

Leave a Reply

Loading...