MANILA, Philippines- Batay sa pinabagong datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa school year na ito, mayroong 24,772,003 mag-aaral na kasalukuyang enrolled sa private at public schools sa buong bansa.
Sinabi ng DepEd na kabilang sa kabuuang bilang ng mga rehistradong estudyante para sa bagong school year ang mga nasa public at private schools.
Kabilang din sa datos ang mga mag-aaral mula sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs), Philippine schools sa ibang bansa, at mga rehistrado sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).
Naitala ng DepEd ang pinakamaraming bilang ng enrollees sa Calabarzon (Region IV-A) sa 3,672,271.
Sinundan ito ng Central Luzon (Region III) sa 2,753,328 at ng National Capital Region (NCR) sa 2,597,582.
Para sa ALS, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 217,631 enrollees.
Samantala, tiniyak ng DepEd na bagama’t nagsimula na ang klase para sa SY 2023-2024 noong Aug. 29, tatanggapin pa rin ang late enrollees sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
“I believe we should not refuse enrollment,” ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas sa isang press conference sa unang araw ng klase.
“We understand that there are some parents who brought their kids to the province for a long vacation and they are coming back this week,” paliwanag niya. “This week, we will still be opening our public schools for enrollment,” dagdag ng opisyal.
Sinabi pa ni Bringas na sa enrollment sa public schools, polisiyang hindi tanggihan ang mga mag-aaral. ”We cannot disenfranchise a child from an education that is given by the public schools,” aniya.
Dahil dito, siniguro ni Bringas sa mga mag-aaral, magulang at guardians na tatanggapin pa rin ang late registrants. “We will accept all [late] the enrollees in our public schools,” patuloy niya.
Mas mababa nag kabuuang recorded registrants ngayong school year kumpara sa 28 million noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Bringas na ang enrollment “will normalize” sa sunod na dalawang linggo. RNT/SA