Home NATIONWIDE DepEd nakapagtala ng 26.3M enrollees para sa SY 2023-2024

DepEd nakapagtala ng 26.3M enrollees para sa SY 2023-2024

230
0

MANILA, Philippines- Mahigit 26 milyong mag-aaral ang enrolled na ngayong School Year (SY) 2023-2024, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Biyernes.

Sinabi ng DepEd na patuloy na tumataas ang bilang ng mga estudyante para sa kasalukuyang taon, batay sa pinakabagong datos mula sa Learner Information System (LIS).

Hanggang nitong Biyernes, alas-2:06 ng hapon, sinabi ng DepEd na ang kabuuang bilang ng registered students para sa bagong school year ay umabot na sa 26,304,338.

Sa bilang na ito, mayorya ng mga mag-aaral ang nagpatala sa Region IV-A sa bilang na 3,879,738, sinundan ng Region III sa 2,877,398, at National Capital Region (NCR) sa 2,713,999.

Naiulat din ng DepEd na 288,012 mag-aaral ang enrolled sa Alternative Learning System (ALS).

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Bringas na papayagan pa rin ang late enrollment sa mga pampublikong paaralan hanggang sa katapusan ng buwan.

“The public schools do not refuse enrolment,” aniya. RNT/SA

Previous articleNasa 296 patay sa M-6.8 quake sa Morocco!
Next articlePNP: Negatibong resulta ng drug test ni Gerente, walang katuturan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here