Home NATIONWIDE DepEd pinangalanang ‘most trusted’ gov’t agency – sarbey

DepEd pinangalanang ‘most trusted’ gov’t agency – sarbey

MANILA, Philippines- Itinanghal ang Department of Education (DepEd) bilang most trusted government agency sa December 2023 survey na isinagawa ng OCTA Research.

Lumabas sa “Fourth Quarter Tugon ng Masa Survey,” na isinagawa noong Dec. 10 hanggang 14, na ang DepEd ang may pinakamataas na trust rating sa 84 percent.

Kabilang pa sa ibang ahensya na nakakuha ng “high” trust ratings ang Commission on Higher Education (83 percent), Department of Social Welfare and Development (82 percent), Department of Health (80 percent), at Department of Public Works and Highways (75 percent).

“Generally, government agencies received high trust ratings in Visayas and Mindanao, whereas low trust ratings were reported in Balance Luzon. This pattern was observed in the October survey,” anang OCTA sa ulat nito ngayong Huwebes.

Samantala, nakatanggap ang Department of Transportation (19 percent), Department of Trade and Industry (16 percent), at ang Commission on Higher Education (13 percent) ng pinakamataas na “distrust” ratings.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Mayroon itong ±3 percent margin of error sa 95 percent confidence level, na may subnational estimates para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao sa ±6 percent margin of error. RNT/SA

Previous article44 dayuhang sangkot sa illegal POGO dineport ng PH gov’t
Next articleIlang NAIA flights naantala sa humintong C-130 aircraft