Home NATIONWIDE DepEd walang naitalang hacking incident sa regional offices sa kabila ng ‘data...

DepEd walang naitalang hacking incident sa regional offices sa kabila ng ‘data leak’

MANILA, Philippines- Walang impormasyon ang Department of Education (DepEd) sa hacking incidents sa regional offices nito sa kabila ng naiulat na data breach, ayon kay deputy spokesperson Asec. Francis Bringas nitong Biyernes.

Subalit, inihayag ni Bringas na nakikipag-ugnayan pa rin sila sa mga paaralan at division offices ukol sa umano’y info leak.

“‘Yung ating initial information from our regional offices when we asked them kung may mga incidence of hacking sa kanilang website, ‘negative’ naman ang mga kanilang sagot,” ani Bringas sa isang panayam.

“Siguro doon sa mga school levels and division levels, ‘yun ‘yung tinitignan natin ngayon,” dagdag niya.

Nag-ugat ang aksyon ng DepEd sa social media post ng “Deep Web Konek” na sinabing “a threat actor claims to have hacked one of the offices of [DepEd] and accumulated over 750GB data containing banking info, students and teachers information and more.”

Base sa X account bio nito, ang Deep Wed Konek ay grupo ng “cybersecurity enthusiasts in the Philippines uncovering and monitoring dark web activities.”

Subalit, tiniyak ni Bringas sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang DepEd saDepartment of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa nasabing data leak.

“Nakikipag-coordinate na tayo with the DICT. In fact, we were in a telephone conversation with an executive of the DICT, at tinitignan natin ‘yung validity ng mga reports kung meron talagang na-hack,” giit ni Bringas.

Kamakaialan, isiniwalat ng DICT na naharang nito ang cyberattacks “from within China” sa websites at official pages ng Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Coast Guard, at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Maging mailboxes umano ng DICT ay tinarget.

Nitong Huwebes, inatasan ni Marcos ang Philippine National Police na bumuo ng cybercrime unit mula sa “scratch” sa pagbanggit niya na tumaas na ang online crimes sa bansa mula 13,890 noong 2022 sa 21,300 nitong 2023. RNT/SA

Previous articlePokwang, nag-ala Lucy Liu!
Next articleGuro, nasamsaman ng bala, baril