Home NATIONWIDE Deployment moratorium ng seasonal workers sa SoKor ipinatupad ng DMW

Deployment moratorium ng seasonal workers sa SoKor ipinatupad ng DMW

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng moratorium sa deployment ng mga seasonal workers sa South Korea, matapos makatanggap ng ilang reklamo mula sa mga overseas Filipino worker (OFWs).

Kabilang sa mga reklamo ang hindi ligtas na kondisyon ng paggawa, underpayment ng sahod, overwork, kasama ang dalawang kaso ng pagkamatay.

“The two OFWs fell ill as they were there… Whether or not it was work-related, para sa ‘min it’s already a cause for us to be concerned. One wonders, ‘yung isang case halimbawa after two days nasawi na siya. One wonders kung bakit siya may sakit at na-deploy. So, somewhat related to the process of recruitment, medical exams, etc. So we want to look into all of these things,” sabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac.

Layon ng DMW na upuan kasama ang Departments of Interior and Local Government (DILG), Foreign Affairs (DFA) at ang Bureau of Immigration (BI) upang makabuo ng isang hanay ng mga alituntunin para sa deployment ng mga seasonal workers sa South Korea.

Sinabi ni Cacdac na marami sa mga manggagawa ang na-deploy sa pamamagitan ng mga kasunduan sa pagitan ng mga local government unit ng Pilipinas at mga kapatid na lungsod sa South Korea.

Nakipag-usap na rin aniya sa ilang grupo ng LGU na nakipag-ugnayan na rin sa DMW at naghahanap ng mga paraan kung saan matutulungan sila sa kanilang iba’t ibang uri ng sitwasyon, dahil ito ay nauugnay sa kanilang tinatawag na sisterhood agreements sa kanilang partner LGUs sa Korea.

Samantala, umapela ng pasensya si Cacdac dahil pinoproseso pa rin ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa humigit-kumulang 500 manggagawang Pilipino na natanggal sa trabaho matapos ideklarang bangkarota ang ELE Group of Companies.

Sa ngayon nakapamahagi na ang DMW ng tulong pinansyal na 1,050 New Zealand dollars o P36,800 sa humigit-kumulang 200 na apektadong manggagawang Pilipino, na may 350 pang ibabahagi. Isang daang iba pang Pilipinong may resident visa ang tinutulungan ng DFA.

Bukod sa tulong pinansyal, tinitignan din ng DMW ang pagbibigay ng legal assistance.Ayon Kay Cacdac, may opsyon ang mga manggagawa na bumalik sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleJinggoy abswelto sa plunder case sa pork barrel scam; guilty sa bribery
Next articleDOJ oks na sa ICC drug war probe sa Pinas kung…