Manila, Philippines – Is a period of years long enough to say that a relationship is for keeps?
As far as Derek Ramsay is concerned, maaaring hindi pa pero hamon niya sa isang netizen ay balikan siya 20 taon mula ngayon.
Ito’y reaksyon ng semi-retired Filipino-British actor makaraang buong pagmamalaki nilang ipinost ng misis na si Ellen Adarna ang maikling video at mensahe marking their second anniversary bilang magnobyo.
Post ni Derek: “2 years strong with my X girlfriend.
@mariaelenaadarna, I Love you.”
Nag- I love you, too naman si Ellen.
With regard to the video they shared, makikitang nakadagan si Derek kay Ellen.
They looked like having awakened from sleep.
Nag-smooching ang mag-asawa at bahagyang itinaas ni Ellen ang kanyang ulo at sa leeg naman siya hinalikan ni Derek.
That post yielded more than 500 comments, all positive maliban sa isang naligaw na comment which read: “15-20 years saka mo malalaman kung matibay kayo.”
Hindi naman ito pinalampas ni Derek na nagbigay rin ng time frame sa naturang naysayer.
Ani Derek: “Balikan mo ‘ko 20 years from now…2043.”
Matatandaang February 4, 2020 nang maging magkarelasyon sina Ellen at Derek, thanks to the introduction of John Estrada na co-star ni Ellen sa isang sitcom sa TV5.
November 21, 2021 naman nang magpakasal sila sa Bagac, Bataan.
They got married for the second time nang magbakasyon sila sa Peru.
With Derek’s retaliatory reply to the naysayer, obyus bang naniniwala siya na may forever? Ronnie Carrasco III