Manila, Philippines – Dadding-daddy ang dating ni Derek Ramsay sa anak ng asawang si Ellen Adarna.
Ellen’s only son by John Lloyd Ceuz is five-year old Elias Modesto.
Sa kanyang Instagram account, Derek shared shots of him picking up Elias from school.
Who’d say na isang famed celebrity ang Filipino-British actor gayong napakakaraniwan lang ng suot nito in public.
Derek that day performed his stepdad duties nang nakaputing sando lang, dilaw na pambahay na shorts at ordinaryong tsinelas.
From school ay dumiretso na si Elias sa kanyang piano lessons, siyempre pa accompanied by Derek again.
Mula roon ay tumungo naman sina Derek at Elias sa golf course.
Sando lang ang pinalitan ni Derek who was clad in printed polo shirt pero ‘yung pa ring yellow shorts with matching white rubber shoes ang suot niya.
Makikitang nakaporma si Elias na aakalain mong bihasang-bihasa sa paglalaro ng golf.
Playing golf is Derek’s pastime which he used to share with close friend John Estrada and now with Aga Muhlach.
Caption nga ni Derek after teaching Elias the proper golf posture: “My little Tiger Woods!”
Minsan nang pinasalamatan ni Lloydie the way Derek treats Elias like his own.
For Derek, ang pagiging malapit niya kay Elias ay hindi nangangahulugang inaagawan niya ng papel ang tunay na ama nito.
If that’s how doting Derek can be to Elias, how much more kapag nagkaanak na sila ni Ellen?
Balak ni Ellen na magbuntis at makapanganak next year being Year of the Dragon.
Sa taon din kasing ito ng Chinese astrology isinilang sina Derek at Ellen.
Ayon kay Ellen, may suwerteng hatid daw kapag tatlong tao ang ipinanganak sa Year of the Dragon.
Senyales nga na handa nang magbuntis si Ellen ng kanyang ikalawang anak ay ang pagpapatanggal niya ng IUD o intrauterine device early this year. Ronnie Carrasco III