Home ENTERTAINMENT Derrick, sinagot ang isyung bading siya!

Derrick, sinagot ang isyung bading siya!

Manila, Philippines- Actors rumored to be gay are nothing new in showbiz.

Hindi na nga mabilang ang dami ng mga aktor whose gender is in question.

This is particularly true sa mga aktor na single o walang nobya.

But wait, ang ganitong premise does not spare even actors who are currently in a relationship.

Isa na rito si Derrick Monasterio.

Sa kabila ng pagkakaroon niya ng girlfriend sa katauhan ni Elle Villanueva ay pinagdududahan pa rin ang sexual orientation ni Derrick.

No beating around the bush, diretsahang tinanong ni Boy Abunda ang Kapuso actor if he’s gay.

Nagpasintabi muna ang TV host sa marespeto niyang pagtatanong.

FYI, Boy supports the rights of the LGBTQIA+ community.

Puwera pa rito ang 100% na suportang ibinibigay ni Boy sa Ladlad party list.

Ani Derrick, hindi raw siya naba-bother kung natsitsimismis man siyang bading.

Truth be told, what bothers the actor ay ginagamit ang isyung ito bilang pang-aasar.

Wala raw iniwan ang isyung ito sa pagsasabing mataba o pangit ang isang tao.

These talks are actually meant to annoy the person involved.

Samantala, halos ganito rin ang pananaw ni Alden Richards who’s also rumored to be gay.

In an interview by Toni Gonzaga, inamin ni Alden na nauumay na rin siya sa ‘di humupa-hupang tsismis.

“Tingin n’yo bading? Fine!” simpleng buwelta ng aktor.

Kung ‘yun daw ang ikaliligaya ng mga taong nagkakalat niyon, so be it.

“I don’t want to spoil what makes them happy!” ani Alden. Ronnie Carrasco III

Previous articleJose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M-4.5 quake
Next articlePBBM bibisita sa Australia